Sunday, April 14, 2019

Balete Eco Park Falls


Ang Balete Eco Park ay matatagpuan sa Brgy. Banjo west Tanauan City, Batangas. Nagkaroon kami ng biglaang pamamasyal dito lalo na ngayon panahon ng tag-init ng aking mga kaibigan at kaklase. Gumising ako ng alasais ng umaga para maghanda ng aking gagamitin sa aming pupuntahan may usapan kaming alas nuwebe at tagpuan. Upang marating ito mula Sto.Tomas sumakay ako ng jeep papuntang 216 Brgy.Darasa o Ramonita upang sumakay ng tricycle kasama ang aking mga kaibigan upang bumaba sa may Eco Park. Aabutin ng 15 mins. ang byahe papunta dito. Ibaba kayo sa may tambakan ng mga binabang niyog at taniman ng saging mula dito maglalakad kayo ng malayo layo pababa ito ay matatanaw nyo ang isang waiting shed bago ang mga hagdanang pababa sa ilog. Mag-ingat kayong mabuti sa pagbaba ang ilan kase dito ay may kapitan at ang iba naman ay wala at nakakahingal ang pagbaba dito kaya nakaalalay ang iba sa pagbaba dito. Nakita narin namin ang waterfalls dito. Madaming tao ang nasa may falls at naliligo kaya humanap kami ng aming mapupwestuhan para makarating kami sa kabilang parte ng ilog tumawid kami at umakyat kami sa matarik na burol mahirap umaakyat na sinabayan pa ng init ng panahon, mabuti na lang nakaalay ang aking kaibigan at  kumain na kami ng pananghalian masarap ang simoy ng hangin, napakalamig at linis ng ilog dito. Masaya kaming nakarating dito at hamon samin ang pag-uwe ang ilan kung mga kaibigan at kaklase ay hiningal sa pag-akyat kaya't inalalayan namin sila ng makarating na ulit kami sa may waiting shed nagpahinga muna kami at uminom ng tubig. Pagkatapos nagpatuloy na ulit kami sa aming paglalakad mahirap ditong makahanap ng sakayan papauwe kaya kinailangan pa naming maglakad ng mga 10mins. at nagpahinga muna kami sa isang tabi at mabuti na lang may isang tricycle na nagbaba ng pasahero malapit sa amin kaya nakauwe kami ng ligtas thanks God!





















2 comments: