Pinuno ng Bayan Ko
Sinu nga ba ang pinuno na nais manguna sa bayan ko? Pinuno kung tawagin, siya ang nangunguna at nagtatanggol satin. Ang iba’y iniidolo dahil sa taglay nilang kabaitan. Kapangyarihan ang tawag kapag sila’y nahalal at sa bayang pinili sila ang tinitingala at iginagalang.
Tayong mga mamayan sa bansang ito’y naghahangad na sa bawat eleksyon na ang mga pinuno na maghari ay tapat at totoo. Sapagkat nasa kanila ang buhay ng bansa kapag sila’y nagmalasakit kayo’y magiging kaakit akit, walang tao ang lugmok ngayon sa kahirapan kung nasa tamang paraan ang kanilang pagkakagastuhan.
Masakit isipin na maraming nahalal ang na hindi matuwid ang hangarin. Kaawa awa ang mga Pilipino na tulad natin na walang pambili ng gamot dahil sa hirap ng buhay sila’y sa Panginoong Dios na lamang kumakapit.
Marahil hindi ito mangyayari sa iba kung maraming pinuno ang naging tapat sa kanilang tngkulin.
Dahil sa paghahangad ng iba sa kapangyarihan pati kapayapaan ng ating bansa ay nadawig. Maraming angkan ang nagpapatayan dahil lahat sila’y gustong mahalal, kaliwa’t kanang bakbakan para sa nais na kapangyarihan.
Kailan ba ito matatapos? Kailan ba ito mauubos? Sana wala nang pinuno ang maglustay ng kaban ng bayan para lahat ng Pilipino ay umunlad. Ako’y nananalangin ako’y sanay dinggin, masagip pa sana ang lumalalang sakit ng lipunan upang tayo’y magkaroon ng kapayapaan.
No comments:
Post a Comment